Add parallel Print Page Options

18 At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. 20 Pagkatapos, ipinagbilin niya sa kaniyang mga alagad na huwag nilang sabihin kaninuman na siya ay si Jesus, ang Mesiyas.

Read full chapter